Bagong mukha ang ipaparada ng Purefoods sa katauhan ng 28-gulang na si Edner Elisma, habang isang balik-PBA import naman ang isasalang ng Sta. Lucia na pamilyar na pamilyar sa TJ Hotdogs.
Ito ay si Derrick Brown, ang two-time Best Import na ilang beses nang ti-nangkang ibalik ng Purefoods ngunit hindi nila nagawa at sa di inaasahang pagkakataon ay makakalaban pa nila.
Ito ang magandang tema ngayon sa alas-6:15 ng gabing sagupaan ng Purefoods at Sta. Lucia sa Big Dome pagkatapos ng laban ng Shell at Alaska sa unang laro, alas-4 ng hapon.
Ang 67 na si Elisma, produkto ng Georgia Tech ay kagagaling lamang sa China Basketball Association sa Xian Dong, China.
Si Brown ang papalit sa mahinang si Lamayn Wilson para sa Sta. Lucia na umaasang makakaahon sa 0-3 win-loss slate.
Umaasa naman ang TJ Hotdogs na angat ang kanilang 1-3 kartada sa tulong ni Elisma, ang ikatlong import ng Purefoods matapos kina Lenny Cooke at Reggie Buttler sa loob pa lamang ng apat na laro.
Umaasa naman ang Shell na may ilalabas pa ang kanilang import na si Ryan Weathers na pumalit kay Marek Ondera na nagkaroon ng injury.
Si Weathers ay nakapag-ambag lamang ng siyam na puntos sa kanyang debut game at inaasahang babawi ito ngayon para makaahon din isang Turbo Chargers sa 1-3 record.
Tangka naman ng Alaska ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro sa kanilang muling pagsandal sa eksplosibong import na si Galen Young.
Katabla ng Aces sa 2-1 record ang Coca-Cola at Red Bull sa likod ng na-ngungunang San Miguel (3-0) kasunod ang Talk N Text at Ginebra na tabla sa 3-1 kartada.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)