Tambalang Pavia, Hernandez, kampeon sa NCRAA beach volley

Humatak ng 26-24 tagumpay ang tambalang Harold Pavia at Melvin Hernandez upang ibigay sa St. Francis of Assisi College ang men’s title ng NCRAA beach volleyball competition sa Island Cove Resort sa Kawit, Cavite.

Ang tambalang Pavia -Hernandez ay namayani sa parehas nina Ivan Christian Bacolod at Marvin Ofrecio ng Polytechnic University of the Philippines ay nagbigay din sa SFAC Doves na tapusin ang kanilang 8-game campaign sa elims na may 7-1 record.

Nakaabot sila sa semifinals matapos na ang Doves at PUP ay namayani sa pamamagitan ng mas magandang tiebreak record kontra sa Rizal Technological University sa Group A.

Nanaig ang Doves kontra sa Olivarez College, 21-11 upang makuha ang unang finals berth habang namayani naman ang PUP sa PATTS, 21-16 para sa isa pang slot ng finals.

Ngunit hindi rin pumayag ang PUP na umuwi ng talunan makaraang mamayani ang babaeng tambalan nila na sina Kathryn Sotejo at Krisha Margaret Ricana kina Jane Jarin at Sheila Marga ng Lyceum, 22-20.

Samantala, ang kompetisyon sa NCRAA ay magtatapos sa pagsabak ng swimming, taekwondo at chess ngayon sa Emilio Aguinaldo College Sports Complex sa Manila.

Show comments