Preparasyon sa SEAG binabalangkas na

Taliwas sa mga naglabasang ulat, kasalukuyan pa lang binabalangkas ang preparasyon para sa 2005 Southeast Asian Games sa bansa.

Ayon kay Southeast Asian Games Federation at Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit na walang dapat ikabahala para sa mapipisil na host dahil sa mayroon ng ilang nabalangkas na plano bilang bahagi ng preparasyon.

"PHILSOC (Philippine SEA Games Organizing Committee) is doing its job," paliwanag ni Dayrit. "What is regrettable is that the PSC (Philippine Sports Commission), which is tasked to train and prepare the athletes for the 2005 Games, is even cutting the pool of athletes."

Sa katunayan, idinagdagdag pa ni Dayrit na maluwag na tinanggap ng Southeast Asian Games Federation Council ang pag-aprub ng PHILSOC at ng pansamantalang venues na gagamitin noong nakaraang Biyernes na pagpupulong sa PICC.

Inaprobahan din ng SEAGF ang 34 sports at nagbigay ng buong awto-risasyon sa PHILSOC na i-review ang mga events at bilang ng mga atleta at opisyal para sa posibleng pagbabawas upang maseguro ang tagumpay ng 2005 SEAG.

Ayon kay Dayrit, buong sinuportahan ng mga opisyal mula sa 10 iba pang SEA countries ang lahat ng kanilang rekomendasyon, partiku-lar na sa sports na lalaruin.

Show comments