PBA Gran Matador Fiesta Conference: Krusiyal na panalo hatid ni Valenzuela sa Red Bull

Umiskor ng jumper si Junthy Valenzuela upang ihatid ang Red Bull sa 85-84 panalo laban sa Sta. Lucia Realty kagabi sa PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Barakos na lumasap ng 90-95 pagkatalo laban sa Talk N Text sa kanilang debut game bilang isang magandang pagsalubong sa bago nilang import na si Bingo Merriex.

Si Merriex na pumalit kay Carlos Wheeler, ay tumapos ng 18-puntos bukod pa sa 15 rebounds upang tumulong sa pag-ahon ng Red Bull sa 1-1 kartada.

"The boys simply refused to loose. They wanted to win badly," wika ni coach Yeng Guiao ng Red Bull na nakaahon mula sa 15-puntos na pagkakahuli, 45-60 sa kalagitnaan ng third quarter.

Abante na ang Sta. Lucia sa 84-81 patungo sa huling maiinit na se-gundo ng labanan ngunit hinayaan nilang ma-kaiskor si Davonn Harp ng lay-up para makadikit sa 83-84, 49.4 segundo pa ang natitirang oras sa laro.

Sinundan ito ng game-winning basket ni Valenzuela na siyang dahilan ng ikalawang sunod na talo ng Realtors sa gayong ding dami ng laro.

Mapapanood ang Realtors-Barako match na ito bukas sa ABC-5 sa alas-7:00 ng gabi.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Coca at Alaska na naghahangad maisubi ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay para makisalo sa Ginebra at Talk N Text sa liderato.

Samantala, sa unang out-of-town game ng PBA, bibisita ang Shell at Purefoods sa General Santos City na ngayon lamang nadalaw ng liga sa loob ng dalawang taon.

Nakatakda ang Shell-Purefoods game sa Lagaw Gym sa alas-5:30 ng hapon kung saan inaasahang isang bagong career-achievement na naman ang makakamit ni Alvin Patrimonio na siyang pinakahuling naging miyembro ng 15,000 point club.

Isang assists na lamang ang kailangan ni Patrimonio para maging ika-20 manlalarong makaabot ng 2,000 assists. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

Show comments