Chino Trinidada mananatiling PBL Commissioner

Dahil hindi pa tapos ang kanyang misyon, inihayag kahapon ni Chino Trinidad ang kanyang pagbabalik bilang commissioner ng Philippine Basketball League na malugod na tinanggap ng mga opisyal ng liga.

"After looking at some scenarios, I decided to reconsider my resignation and go back to the league and continue what I started doing for the league and for amateur basketball," wika ni Trinidad. "I still have a mission to do for the league and for Philippine Basketball."

Ginulat ni Trinidad ang komunidad ng PBL nang magbitiw ito mula sa kanyang puwesto matapos ang isang insidente na napagpapakita ng walang respeto sa kanya.

Ito ay nang maglagay ng ‘Tangkay MVP’ ang ilang players ng Welcoat bilang pagsuporta sa kanilang kasamahang si Jojo Tangkay matapos itong maungusan ni Peter June Simon sa Most Valuable Trophy sa nakaraang PBL Platinum Cup finals.

"How can I turn my back to the owners and officials of the league? After I resigned, they rallied (team owners) behind me and tried to convince me to stay on, so I am humbled with their gestures," dagdag ni Trinidad.

Ayon kay Trinidad, naayos na ang lahat ng gusot na nangyari at ngayon ay nakatuon na ang kanyang atensiyon sa pagbuo ng kompetitibong national team.

"It’s a tough mission but we feel there’s a strong to help these budding players," wika ni Trinidad ukol sa 20-and-under national team.

Bagamat umakyat na sa professional league ang iba, naniniwala si Trinidad na makakatulong siya sa pagbuo ng solidong programa para sa amateur basketball.

"In my return as commissioner of the PBL, I will play a more active role in the formulation something about it," sabi pa ni Trinidad.

Show comments