Humatak si Castañeda, nagwagi ng bronze sa 2001 Games sa Thai-land ng 77.33 score sa kanyang unang pagtakbo at tinanghal na natata-nging Pinoy mula sa tatlong kalahok ang umentra sa top 10.
"I like Anselms chances (in the finals), because the Australians arent here and most of the big names in Japan are absent as well as were looking forward to a decent finish," wika ni RP team manager Mark Schultz.
Nagposte naman si Daisuke Mochizuki, ang nag-iisang lahok ng Japan ng 85.67 sa kanyang ikalawang pagtakbo upang dominahin ang lahat ng park qualifiers at itulak si Yao Te Huang ng Chinese Taipei sa No.2 sa kanyang itinalang 84.33 matapos na makapagrehistro ng 84.33 sa kanyang unang takbo. Pinangunahan naman ni Ahmad Fadzil Musa na umiskor ng 81.33 ang apat na Malaysians na nakapasok sa finals.