Mukhang sold out na ang tickets para sa Linggo hindi lang dahil sa opening salvo kundi dahil na rin sa may laro ang Ginebra San Miguel.
Alam nyo naman kung paano sumuporta ang mga fans ng Barangay Ginebra, matalo man o manalo.
Umaasa ang mga tagahanga ng Ginebra na isang brand new fighting team ang makikita natin sa Linggo.
May mga bago silang players tulad nina Rodney Santos at Andy Seigle, at nandyan na muli si JJ Helterbrand. Mukhang impressive ang import nila.
Isa sa mga teams na walang kinuha sa drafting ang Ginebra kaya wala silang rookie from the Draft.
Marami rin ang hindi nakapirma at yan ang nakakalungkot. Nung makuha ang mga yan sa drafting eh umasa na sila na makakapaglaro na sila sa PBA.
In the end, umuwi rin silang luhaan dahil hindi rin sila nakapirma.
Tiyak na babalik ang mga yan sa mga PBL teams nila o yung ibay mapipilitang maglaro sa mga maliliit na liga para lang maka-survive sa buhay nila.
Yan na nga ba ang matagal ko ng sina-suggest. Sana kung hindi rin lang papipirmahin eh wag nang kunin sa drafting. Bakit hindi na lang muna imbitahin yung mga kursanada nilang rookies para sa isang tryout para kung makita nilang walang ibubuga, eh di wag na lang nilang kunin sa drafting.
Ang hirap naman kasi sa ibang teams, kukunin sa drafting ang type nilang players, tapos saka pasisiputin sa tryouts. At pag wala naman palang ibubuga, at saka nila pauuwiing luhaan.
Kawawa naman yung mga rookies.
Sa palagay ni Jong Uichico, hindi pa handa si Danny sa matinding aksyon kahit na nga nakakalaro na siyang muli.
Natutuwa naman kami na makita sa line-up si Erwin Velez sa Red Bull Barako team.
Dati siyang nasa reserved list at nagtiis hanggang sa maisama na nga siya sa official team.
Good for this hardworking guy.
Congrats, Erwin Velez!
In short, balik na sila sa isat isa pagkatapos na ma-tsismis na silay magkahiwalay.
At may tsismis pa na binabalikan si sexy star ni player kaya sinagot niya itong muli.
May laro si player sa Linggo, kaya kapag nakita ninyong nanonood si sexy star, yun na..