Bukod sa Luzon leg, magkakaroon din ng Visayas at Mindanao Eliminations, na gagana-pin naman sa Marso 12-14 sa Ayala Center Cebu.
Upang masiguro na lalong mas kapana-panabik at umaatikabo ang kompetisyon kumpara sa mga nakalipas nitong edisyon, ang mga kasaling koponan ay sinala ng husto.
Ang mga partisipante mula sa Luzon ay pinangungunahan ng defend-ing mens champion San Sebastian College-Manila, kasama ang Central Colleges of the Philippines, UP, La Salle, St. Benilde, UPLB, PATTS, FEU, Adamson, Baguio College Foundation, San Sebastian-Cavite, Ly-ceum, Baguio U, Ateneo de Naga, Bulacan State U, Pampanga Agricultural College, PCU-Manila, Letran, PSBA, PNU, UA&P, St. Louis U, EAC, at San Beda.
Ang mga kalahok naman mula sa Visayas at Mindanao ay tinatam-pukan ng defending womens titlist South Western U gayundin ang mga koponan mula sa Colegio dela Purisima Concepcion, Foundation U, Iloilo Doctors College, University of Iloilo, University of San Agustin, UV, USC, USJ-R, UNO-R, UC, Siliman U, Ateneo de Davao, Davao Doctors, MSU, Misamis U, UM, UM-Tagum, WMSU, Holy Cross, at Xavier U.
Ang mga mananalo sa tatlong elimination leg ay bibiyahe sa Boracay para sa semifinals at championship sa Abril 16-18.
Ang magkakampeon sa mens at womens division ay tatanggap ng P100,000 at tropeo habang ang kanilang mga eskwelahan ay bibigyan ng P50,000 halaga ng sports equipment. Ang runner-up ay magkakamit ng P50,000 at ang third placer ay P25,000 na inihahatid din ng Speedo, Cebu Pacific, Mikasa, Coppertone, Shakeys, SMART, Power Plant Mall, Ayala Center Cebu at TGI Fridays.