ALL-STAR NG LAHAT

Napanood ng mahigit isang bilyong tao ang taunang NBA All-Star Game. Lalong naging masaya dahil sa LA ginawa, at nilamon na ng mga residente ang mga tiket, kabilang ang mga sikat na artista.

Nagsimula ang All-Star bilang PR ng liga noong 1951. Naisipan ng PR Director ng NBA na si Haskell Cohen na gayahin ang Major League Baseball, na nagdiriwang sa kalagitnaan ng season.

Sang-ayon ang pangulo ng NBA na si Maurice Podoloff, at pinagamit ni Walter Brown ang tahanan ng kanyang Boston Celtics, ang Boston Garden.

Ang di nalalaman ng marami ay mahalaga ang All-Star game sa pagkabuhay ng NBA.

Kung di nakakuha ng 10,000 manonood ang laro, malaki ang pagkakataon na noon pa lang, nagsara ang liga.

Marami ang di-malimutang nangyari sa kasaysayan na NBA All-Star Game.

Naririyan ang pagbalik ni Magic Johnson matapos magretiro dahil sa HIV noong 1992.

1989 naman nang unang nakalaro si John Stockton. Di nakapaglaro si Magic, kaya babad si Stockton.

Dahil dito, naging MVP ang kakampi niyang si Karl Malone. Naririyan din ang pagpapasikat nina Bob Pettit at Michael Jordan.

Marami na ring ginaya ang NBA. Ang Slam Dunk contest ng ABA, na nagsara noong 1976, ay inangkin ng NBA noong 1984.

Ang 3-point shot, na naging kaharian ni Larry Bird, ay mula rin sa ABA.

Sa mga nakaraang taon, naging isang linggo na ang selebrasyon.

Nag-eksperimento pa ang liga na tanggalin ang slam dunk at palitan ng likha nilang 2 Ball.

Subalit hindi ito kinagat ng tao dahil kaunti lang ang mga WNBA team na katambal. May Rookie Game na rin, na pumalit sa laro ng mga retiradong Legends Classic.

Marami pang pakulong darating sa mga darating na taon.

Abangan.

Show comments