Nagpahayag ng pagkakadismaya si Haji Abu Samah Wahab, presidente ng Melaka (Malaysia)-based ACA, isang organization ng cycling federation ng siyam mula sa 11 SEA Games countries dahil sa pagkakatanggal ng cycling.
"Cycling is an Olympic event and had been in the SEA Games since it started as the SEAP (Southeast Asian Peninsular Games) in 1957 in Bangkok," pahayag ni Wahab sa kanyang liham na ipinadala sa pamama-gitan ng faxed sa Phil-Cycling, ang national federation ng nasabing sport na isa ring ACA member.
Nag-abiso rin si Wahab na kailangan ng isang malakas na pagla-lobby para mapasama ang nasabing sports sa priority sports sa nalalapit na SEA Games Federation meeting sa Marso 4-5 sa Manila.
Ang technical committee ay pinangungunahan ni dating sports commissioner Ritchie Garcia.
Inaprubahan ng POC ang aquatics (swimming at diving), athletics, archery, basketball, billiards, boxing, bowling, chess, fencing, golf, gymnastics, judo, rowing, taekwondo, wrestling, wu-shu, softball, baseball, dancesports, equestrian, triathlon, arnis at traditional boat race bilang priority sports.