PBA Sports Camp idaraos ngayon

Titipunin ng Philippine Basketball Association ang bumubuo ng lahat ng 10 teams ngayon sa isang Sports Camp sa The Fort sa Makati City para sa day-long orientation seminar bago magsimula ang Fiesta Cup sa February 22.   

Ang event na ito na konsepto nina Commissioner Noli Eala at Chairman Buddy Encarnado, ang kauna-unahan sa liga, ay naglalayong ma-orient ang mga players, coaches at team officials ng kanilang respon--sibilidad sa kanilang teams, fans at sa liga.

"We’re looking forward to a big season and we’re hoping everyone in the league -- from the players to the coaches to the officials down to the team personnel — would be on the same page in this endeavor," ani Eala.        

Bukod kay Eala at Encarnado, ang iba pang speakers sa seminar na magsisimula sa ganap na alas-8:00 ng umaga ay ang mga pinuno ng marketing, technical at media arms ng liga.

Ang technical staff na pinangungunahan ni Perry Martinez ang magtuturo sa mga players at coaches ng mga bagong rules na gagamitin sa bagong season habang io-orient naman ng opisyal media bureau ang mga players ng tamang paraan ng pakikitungo sa media. 

Ang mga marketing people ang magtuturo sa mga team members ng kanilang responsibilidad para manatiling maganda ang imahe ng liga sa masa.

"The foremost duty of these players and coaches is to give their best during games," ani Eala. "But more than that, they also have responsibilities off the court that they must be able to handle properly, and we hope to help them with that."    

Show comments