Marami daw dito ang pumirma sa isang kasulatan na kanilang ibibigay kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nauna na dito ang isang sekretong pagpupulong ng mga atleta na nagnanais din mag-rally patungong Malakanyang para lang daw mapatalsik nga si Buhain.
Ano ba naman iyan, wala na talagang kasiyahan ang lahat.
Bakit kailangang umabot pa sa mga ganitong sitwasyon. Naturingan ngang sports pero hindi naman sports ang mga involved.
Hindi ba puwedeng magkaisa ang lahat at pag-usapan ng mabuti ang mga problema, hinaing at kung anu-ano pa?
Baka naman puwedeng upuan na lang muna ito upang mapag-usapan at magawan ng paraan para naman hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Dapat sigurong pag-isapan na lamang mabuti ang lahat.
Siguro naman, papayag naman ang lahat na maayos ang problema sa pamamagitan ng isang mahusay at matahimik na paraan, di ba Chairman Eric?
Sana naman, mabigyan siya ng break sa PBA.
Congratulations sa iyo coach Junel and of course sa Fash Liquid Detergent sa pagiging champion sa PBL Platinum Cup.
Ngayon ay umabot na ito nang Pebrero bago natuloy. Kasi naman nagkaroon ng aberya kaya hayun na-delay ng husto.
Pero at least natuloy pa rin ang pagbibigay ng awards sa mga PBA people na karapat-dapat.
Sana naman mawala na ang jinks sa Press Corp. Mayroon nga ba Mr. Tito T.?
Makalipas ang ilang taon, magbibigay uli ang mga mi-yembro sa mga atletang nag-bigay ng karangalan sa ating bansa.
Ang awards night ay gaga-napin sa Feb. 13 sa Pantalan Restaurant.
And also Happy Valentines Day sa inyong lahat!