Serbidad, Yambao nanguna sa Patakbong Pinoy

Pinangunahan nina Ronaldo Serbidad at Liza Yambao ang 500 runners na nakilahok sa Beam-Zest-O Patakbong Pinoy kahapon sa pagkopo ng men’s at women’s division titles ayon sa pagkakasunod sa 5KM race na nagsimula at natapos sa Rajah Sulaiman Park sa Manila.

Nagsumite si Serbidad ng pinakamabilis na oras na 15-minuto at 20-segundo upang talunin sina Cresenciano Sabal (15:26) at Jojit de Asis (15:36) habang mas maaga namang dumating si Yambao na may tiyempong 18:44 minuto laban kina Liza Relox (20:20) at Shella Ninobla (22:20) na pumangalawa at pumangatlo ayon sa pagkakasunod sa karerang ito na pinagtulungan idaos ng Media Runners and Sports Promotions at Direct Link Runners Club.

Nag-uwi sina Serbidad at Yambao ng tig-P3,000 bukod pa sa magagarang tropeo habang ang mga second at third players ay may P2,000 at P1,000 ayon sa pagkakasunod sa karerang sinuportahan ng Manila Sports Council sa pamumuno ni Ali Atienza.

Show comments