Sa isang pagpupulong noong Linggo, inilahad ni PSC Chairman Eric Buhain kay FPACC president Yolanda Ortega-Stern at Executive Director Patmei Ruivivar ang proposed webpage design, ang mga profiles ng mga potential 2005 SEAG medalists, na gagamitin sa road-show presentations para sa Filipino-Americans sa pangunahing US cities at states.
"The web is envisioned to be an effective tool in seeking the support of Fil-Ams living in the US to raise funds for the training and full development of Filipino athletes for the 2005 SEA Games," ani Buhain.
Iprinisinta rin ni Buhain ang blueprint ng proposed 4-storey Athletes Dormitory sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, ang construction expenses na pupunan sa pamamagitan ng A Dollar for an Athlete campaign alinsunod sa Alay Suporta sa Atletang Pilipino (ASAP) Program ng PSC.
Ang FPACC, ang pinakamalaki at pinakama-impl-wensiyang business organization ng mahigit tatlong milyong Filipinos sa United States ay binubuo ng 42-member Filipino-American chambers mula sa pangunahing lungsod at state ng U.S.
"We aim to stir consciousness among Fil-Ams in the US regarding the plight of Filipino athletes and send a message that we are as patriotic as any Filipino in this country," ani Ortega-Stern. "There are three million of us and we hope to raise funds at the rate of a dollar per Fil-Am. We are Filipinos and we are proud to support Filipino athletes."
Bilang ganti ng PSC, aasiste ito sa pag-oorganisa ng susuportang grupo sa FPACC para sa kanilang proyekto sa bansa at pagpapatupad ng Lakbay Sports program bilang supplementary element sa Lakbay Aral projects na itinataguyod ng FPACC sa bansa.