Blu Boys bokya sa Canada

CHRISTCHURCH, New Zealand -- Nangailangan lamang ang former world champion Canada ng limang innings upang dispatsahin ang Philippines, 8-0, nang kanilang itala ang ikalawang panalo para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng XI Men’s World Softball Championship sa Smoke-free Ballpark dito kahapon.

Matapos gulantangin ng newcomer Samoa noong Linggo, tinalo ng Canadians si Andrew Kirkpatrick at Australia sa 3-2 iskor bago dominahin ang Blu Boys na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo.

Ginamit ng Canada, naghari sa Manila editions ng softball world series noong 1972 at 1992 at joint gold medalist noong 1976, ang legendary Dar-ren Zack, na naglimita sa mga Pinoy sa dalawang hits lamang.

Ang beteranong si Zack, miyembro ng 1992 world champs sa Manila na may record ng pagpi-pitching ng 10 games nang walang pinakawalang single run at 150 strikeouts, ay may walong strikeouts laban sa 17 Fili-pino batters na kanyang nakaharap.

Ang kabiguang ito ay nagdala sa Blu Boys sa bingit ng pagkakasibak sa Pool A sa softball version ng Group of Death.

Mahihirapan na ang mga Pinoy na ipanalo ang kailangan na apat na laro na magsisimula sa South Africa sa alas-9:00 ng u-maga at defending champion New Zealand sa alas-5:00 ng hapon ngayon.

Show comments