Blu Boys susbok sa Canada

CHRISTCHURCH, New Zealand -- Dahil sa walang tigil na ulan, nakansela ang mga laro kahapon sa XI Men’s World Softball champion-ship at umaasa ang RP Blu Boys na may magandang mangyayari sa kanila sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa kanilang pakikipagharap sa Canada sa Smokefree Ballpark.

"Make or break na ito, kaya sana bumalik ang laro ng mga bata," sabi ni RP head coach Reynaldo ‘Baby’ Manzanares.

Hangad ni Manzanares na makabawi ang mga Pinoy sa kanilang dalawang dikit na talo, una ay laban sa Australia at sumunod sa Venezuela.

Matapos mabatid ang ikalawang pagkatalo ng mga Pinoy, agad na nag-empake si ASA-Phil president Cong. Harry Angping ng Manila at nagtungo ng Christchurch para perso-nal na bigyan ng moral support ang nationals.

"We should get our act together in the next few games. I haven’t lost my confidence in the boys. Laban pa rin tayo," sabi ni Angping sa text message.

Haharapin ng Blu Boys ang Canadians sa ala-1:00 ng hapon na susun-dan ng double-header sa Martes laban sa South Africa sa alas-9:00 ng umaga at defending champion New Zealand sa alas-5:00 ng hapon.

Kailangang ma-sweep ng mga Pinoy ang kanilang huling apat na laro sa torneong ito para magkaroon ng pag-asa sa ikaapat at huling puwesto ng Group of Death ng Pool A.

Kung makakalusot, mahihirapan pa rin ang mga Pinoy dahil makakalaban nila ang New Zealand, ang two-time champion Canada, newcomer Samoa, European titlist Nether-lands at South Africa.

Show comments