Marami nang mga kilalang tao sa basketbol ang naka-engkuwentro sa kabastusan ng dating consultant na ito sa isang dating champion na college team. Nagsalaysay ang cameraman ng programang The Basketball Show na mahilig manigaw ang may edad na ito. Sa isang pagkakataon, kinuku-nan ang nasabing college team dahil nagtatatalo. Bagamat may pahintulot ng mismong head coach, pinagbawalan ng nasabing consultant. Sa mahigit dalawang taon ng The Basketball Show, noon lamang nabulyawan ang palangiti nating kaibigang cameraman. Maging sa mga laro, sinisiga-wan diumano ng senior citizen na ito ang mga player, minsan pa'y salungat sa utos ng coach.
Nang maging coach ng isang bagong team sa isang regional league, dalawang coach ng mga PBA teams naman daw ang binangga. Ang unang team ay natapos sa pag-ensayo sa Reyes Gym, at kasunod ang bagong team ng ating bida. Naiwan sandali and assistant coach ng champion team na ito dahil baka may mapulot siyang bago sa kanyang pagpapanood. Nang mamataan siya ng ating bida, tinigil daw nito ang practice, tinuro siya, at sinigawan ng "What are you doing here? Get the f___ out of my gym!" Akala ng PBA assistant coach na nagbibiro lang ang matandang baguhan, at napangiti. Pinagtaasan siya muli ng boses: "What are you smiling at? Get the f___ out of my gym!"
Sa sumunod na araw, isang napakasikat na PBA team naman ang nauna umanong magpapraktis. Di agad nakaalis ang ilang player at ang assistant coach (na dating assistant coach at scout ng malapit ding PBA team). Sinigawan at minura din sila. Aba, hindi ito umubra sa palabang assistant coach, na sumugod daw sa bastos nating bida. Kinailangan pa raw silang paghiwalayin.
Di nagtagal, sibak sa trabaho si bida.
Ngayon, mas malaki ang responsibilidad ni bida sa bago niyang hawak na koponan. Isa sa mga una daw niyang ginawa ay sisihin at duruin ang trainer at assistant coach, na kapwa nagbitiw.
Kung tutoo ang lahat ng mga kuwentong ito, hindi magtatagal ang coach na ito sa kanyang tungkulin. Magtanda sana siya, o bumalik na sa kanyang pinanggalingan.