Pinal na ang desisyon ng board na hindi na nila irehire si Bernarte tulad ng nakasaad ng kanilang liham sa beteranong referee noong Enero 15.
Hiniling ni Bernarte, 10-taong nag-officiate sa PBA, na ire-consider ng PBA Board ang kanilang desisyon ngunit negatibo ang kanyang nakuhang resulta.
"Wala naman akong magagawa kung ayaw na nila sa akin. Wala naman akong laban sa kanila," wika ni Bernarte na napilitang makiusap na muli siyang tanggapin ng PBA dahil may cancer ang kanyang asawa.
Ayon sa PBA, sinibak si Bernarte dahil hindi ito pumasa sa kanilang quali-fications base sa kanyang performance noong nakaraang taon.(Ulat ni CVOchoa)