Bukod kay Suarez, Liza Clutario, Liza del Rosario at Cecile Yap, makakasama din patu-ngo sa Las Vegas sina Biboy Rivera at Chester King para samahan ang nauna ng si national coach Johnson Cheng.
Kamakailan lamang, si Del Rosario, kasalukuyang No. 1 sa ranggo ng mga manlalaro sa Asya ay nagreyna sa Aviva Asian Grandslam Finals na ginanap sa Singapore.
Naglalaro ng araw-araw sa loob ng tatlong linggo, unang lalahukan ng Pinoy bowlers ang Hi-Roller tournament sa Enero 29.
Susunod naman ang True Amateur Championships, Columbian Ama-teur Series at Mini-Eliminator tournament na lahat ay idadaos sa Las Vegas.
Ang biyahe ng mga bowlers patungong Amerika na itinataguyod ng Euromed Pharmaceuticals ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa Asian FIQ tournament sa Hunyo na gaganapin sa Bangkok, Thailand.
"All four tournament the Filipinos are compe-ting are prestigious com-parable to the quadrennial World FIQ because almost all of the top bowlers in the world are also participating," ani PBC sec-gen Danny Santos, na dumalo sa SCOOP sa Kamayan, kasama ni Steve Hontiveros at Pinay trios nina del Rosario, Clutario at Yap.