Kabilang sa kontrata na tampok ang pagtaas sa ikalawa at ikatlong taon ay ang magagandang bonus schemes.
Inalok din ng tatlong taong deal ang sentro na si Carlo Sharma na pinili ng Shell sa second round ngunit malayo ito sa kontrata ni Alvarez.
Gayunpaman, inaasahang mapapatatag ni Sharma ang frontline ng Turbochargers na pinahina sa pagkawala ni two-time MVP Benjie Paras.
Mismong si Alvarez ay two-time MVP sa UAAP kung saan naglaro ito sa Ateneo Blue Eagles. Kasalukuyang naglalaro ito sa Fash Liquid Detergent sa PBL Platinum Cup.
"Nobody spoke to me about me being the No. 1 pick. Nobody from Shell spoke to me, I only learned about it when they (Shell) called my name. Its going to be a tough job but I will do my best," anang Japan-born na si Alvarez.
Sina Alvarez at Sharma ay mahigpit na magkalaban sa UAAP ngunit ngayon kailangang nilang magtulungan para iangat ang Shell.
At dahil sa nakasiguro na ang frontline, palalakasin naman ng bagong coach ng Shell na si John Moran ang backcourt kung saan ipinamigay nila si Dale Singson sa San Miguel at maiwan si Rensy Bajar bilang lehitimong court general.
Kinuha na rin ng Turbo Chargers ang serbisyo ni free agent Kelani Ferreira, na naglaro sa San Juan Knights ng dating MBA. Sa kasalukuyan, nakatuon naman ang pansin ni Moran kay Sunny Mar-gate, na naglalaro sa Viva Mineral Water sa PBL. (Ulat ni AC Zaldivar)