Nagpakita ng katapangan at katatagan, nalusutan ng 24 anyos na si Camat si Ahmed na mas matangkad sa kanya, nang magpakawala ito ng crucial punches sa final round ng 4-round bout upang humatak na malaking panalo na nagbigay kasiyahan sa mga manonood na sawi makaraang masaksihan ang kabiguan nina Harry Tanamor, Francis Joven, Junard Ladon at Florencio Ferrer.
"I know its going to be tough not only because Im facing a Pakistani but the pressure of making up for the losses of my countrymen," ani Camat, na nagdesisyong iwan ang trabaho sa California bilang furniture designer upang ipursige ang pangarap sa Olympic.
"Im just so happy that Ive made through this time and I thank God, all my countrymen who supported me and the coaching staff for helping me reach this far."
"Isa na lang," patungkol ni Camat, na ang mga kamag-anak ay taga-Pangasinan, sa maaring panalo kontra sa Japanese na si Koji Sato na nagpabagsak naman kay Homayon Amiri ng Iran sa first round, sa semis na nilalaro kagabi.
Pinayuko ni Rishulov si Falah Hassan ng Iraq sa second round habang iginupo ni Goldukin si Duck Jin Cho ng South Korea, 34-6, para makasama sa semis.
Si Ali, na pinanonood ng kababayang si Amateur International Boxing Association (AIBA) chief Anwar Chowdry, at Camat ay mahigpit na naglaban sa unang tatlong rounds na tila isang wrestling match kaysa boxing duel.
Sa pinal na 40 segundo ng laban nang makuha ni Camat ang ga-hiblang one-point lead na higit na nagpakaba sa Pinoy.
"I really didnt know that Im leading, and when I did, I got a little nervous," pagbabalik-tanaw ni Camat, na sanay maki-pagboksing sa mas matangkad na kalaban sa kanyang weight class kumpara sa kanya na mas maliit bilang middleweight.
Nauna rito, isa isang nalaglag sina Ladon, Tanamor, Ferrer at Joven.(Ulat ni Joey Villar)