Tinalo ng CSA ang Colegio de Sta. Rosa, 25-6, 25-11 bago naitala ang isa pang panalo via default kontra sa host St. Benedict College.
Nagwagi din ang defending high school titlist San Antonio de Padua College sa pani-mula ng two-level competition na inorganisa ng Best Center at itinataguyod ng Milo.
Ginapi ng San Antonio de Padua ang Assumption Antipolo, 25-15, 25-20 upang makisosyo sa liderato sa Group A kasama ang Colegio de Sta. Rosa, School of St. Anthony at St. James Academy.
Dinaig ng St. Anthony ang Our Lords Grace Montessori, 25-5, 25-9, iginupo ng St. James ang Assumption Antipolo, 25-6, 25-4 habang nag-walk over naman ang Sta. Rosa kontra sa Philippine Science High.