Ang panalo ni Gamboa ang magiging ikalawang world title ng bansa kasama ang International Boxing Federation junior featherweight king Manny Pacquiao na kanyang makuha matapos na igupo ang legendary featherweight na si Marco Antonio Barrera.
Ayon sa manager ni Gamboa na kilalang Japanese journalist na si Joe Koizumi na ang 30-anyos na fighter ay nasa magandang kundisyon at gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya upang mapagwagian ang korona.
Huling napanalunan ni Gamboa ang WBC minimumweight title sa pamamagitan ng split decision kontra Venezuelan na si Noel Arambulet noong Aug. 20, 2000 sa Tokyo makaraang matanggalan ng korona si Arambulet matapos na mabigong makatugon sa tamang timbang.
Sinabi pa ni Koizumi na sina Gamboa at Arce, iniulat na kapwa lampas ng apat na pounds ay walang naging problema sa kanilang weigh-in noong nakaraang Miyerkules sa ginanap na opisyal na pagtitimbang.
Si Gamboa ay sumapat lamang sa itinakdang timbang na 108lbs, ha-bang si Arce ay 107lbs., ang bigat.
Ayon pa sa Japanese manager ni Gamboa na kasalukuyang humaha-wak rin kina OPBF super featherweight champion at world title contender Randy Suico na ibig ni Gamboa ng maagang knockout kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon, ngunit kung sakaling siya ay mabibigo, ito ay tuluyan ng magreretiro.
Gayunpaman, si Gamboa ay nakapag-ispar na sa Mexico simula ng siya ay dumating dito noon pang isang linggo.