Makakaharap ni Tan Ho ang unseeded Japanese na si Tashiya Suzuki na umiskor ng 6-0, 6-2 tagumpay kontra kay Juan Carlo Pantua.
Sa boys 16-under class, umahon ang second seed na si Raymond Villarete sa huling set upang iposte ang 6-4, 4-6, 6-1 tagumpay laban sa fifth seed na si El Santo Santos at itakda ang kanyang pakikipag-harap sa Japanese na si Katoh Taiki na nanaig naman sa kanyang kababayan na si Kutsunugi Kyouhei, 6-0, 6-1 sa semifinals.
Nagawa ring umusad sa susunod na round ni Juv Alban at Japanese Jenji.
Sa boys 18-under category, ginapi ng seventh seed na si Arithmetico Lim ang Japanese na si Kutsunugi Kyouhei, 6-1, 6-3, upang makasama sina No. 1 Irwin de Guzman, No. 4 Nico Riego De Dios at unseeded na si Nestor Celestino Jr. sa semifinals ng isang linggong event na ito na hatid ng PSC at Dunlop balls.
Samantala, sa girls 18-under pinabagsak ng top seed Catherine Flores ang Haponesa na si Miho Ishida, 7-5, 6-0, at umusad sa final kontra sa second seed na si Bien Zoleta na nakalusot naman sa Japanese netter na si Naoko Ushima, 1-6, 6-1, 6-3.