"We have no quarrel with the BAP," pahayag ni NBC secretary-general Tito Palma. "BAP owns NBL and we have to follow its order for us not to use it anymore."
Ngunit mananatili pa ring regional cagefest ang NBC, ayon kay Palma. "We will have a more vigorous, sustainable program. In fact, we are opening the new year by staging the Panasonic Sinulog Invitational Cup tournament on January 20-25 in Cebu City."
Tinatayang pitong koponan ang lalahok sa cagefest na kinabibilangan ng top four amateur teams sa nakaraang Regional Conference. Ito ay ang champion na Compak/Shineway-Ozamiz, M Lhuillier-Cebu, Spring Cooking Oil-San Pablo at ang Ilocos Sur Snipers na sasamahan ng dalawang foreign teams na manggagaling sa mga inimbitahang bansang Indonesia, Korea at Hong Kong bukod pa sa isang guest team.
Ang apat na local teams ay papayagang kumuha ng isang import.
Pagkatapos ng Panasonic Sinulog Invitational, magho-host si San Pablo City Mayor Florante Boy Aquino ang ikalawang torneo ng NBC na Seven Lakes Invitational Cup sa Pebrero 12-15 sa Aquino Stadium.
Ang mga malalaking torneo ng NBC ay ang National Conference na gaganapin sa Marso at sa October naman ang Regional Conference.