Kahit di masyadong pera, kahit di masyadong malalaki ang regalo, kahit di magarbo ang mga damit, kahit hindi masyadong bongga ang mga pagkaing naihanda, okay na okay pa rin.
Masaya pa rin ang Pasko!
Nai-celebrate din kahit paano.
Dumaan din sa buhay natin ang isa na namang araw ng Kapaskuhan!
Meri Krismas po sa inyong lahat!
Hindi kaila sa marami ang dinaanang pagdurusa ng PBA nitong 2003.
At ngayon, bago pumasok ang 2004 season, wala pa itong carrying station.
Hindi pa alam kung sino--Channel 4, Channel 5 ba o may iba pang channel.
Napaka-importanteng malaman yan ngayon na dahil diyan naka-depende ang marketing aspect ng liga for the whole year. Or for the years to come.
Sana sa lalong madaling panahon, maayos ito ng PBA para maging daan ito for a better bigger 2004 PBA season.
Wish ko rin, sana mas maraming Pinoy players na ang mag-rise and shine sa PBA next year.
Nakita nyo yung Mythical Team sa awards night recently?
Aba, dalawa na lang ang Purong Pinoy dun, lahat Fil-Am na.
At sa Mythical Five, isa na lang ang nakapasok na Pinoy at yan ay si Dennis Espino.
Sa pointguard, si Alapag na, sa sentro si Taulava na, sa dos, si Cariaso na. At andiyan pa si Rudy Hatfield.
Nakakaloka.
Whatever happened to Phlippine basketball?
Hindi na tayo makagawa ng pang-superstar sa PBA?
Wala na nga ba, kailangan na nga bang manggaling na sa ibang bansa ang maghahari sa PBA?
At sa iba ko pang inaanak, Merry Christmas mula sa inyong ninong na nakalimutan na kayo...he he he...