Ayon kay Buhain, mahalagang maidaos ang mga multi events na Palarong Pambansa, Batang Pinoy at Mindanao Games kahit malaking halaga ang ginagastos dito.
Ipinaliwanag ni Buhain na dito nadidiskubre ang mga batang manlalaro na maaaring pakinabangan ng bansa pagdating ng panahon.
"Kailan pa tayo kikilos? Kapag wala na tayong atleta," ani Buhain.
Ipinanawagan ni Dayrit ang kanyang kahilingan dahil nais nitong pagtuunan ng pansin ang pagho-host ng bansa ng 2005 Southeast Asian Games na malaking halaga rin ang kailangang gugulin.
Sa ngayon, may P30 milyon pa lamang na pondo ang inilaan ng Department of Budget para gastusin ng POC sa paghahanda ng SEA Games.
Ito ang ipinangangamba ni Dayrit dahil baka mapahiya ang bansa sa host-ing ng biennial meet na matagumpay na idinaos ng Vietnam noong Disyem-bre.
"Magtsa-champion nga tayo sa 2005 pero wala naman tayong pamalit na atleta," sabi pa ni Buhain.
"Matatanda na ang iba nating atleta at sa susunod na SEA Games, posibleng wala na sila sa national team." (Ulat ni Carmela Ochoa)