Ocampo di umubra kay Gabica

Magaang dinaig ni back-to-back Tokyo 9-Ball Open champion Antonio "Gaga" Gabica ang Kapampangang si Nestor Ocampo at mapanatili ang kanyang pagtigil sa ikalimang linggo bilang tampok na cue artist sa "Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinson’s Malls.

Tanging makadikit sa 1-1 lamang ang nagawa ni Ocampo nang makuha ni Gabica ang momentum makaraang hakutin ang tatlong sunod na racks para sa 4-1 abante sa labang ito na itinataguyod ng Tanduay, Robinson’s Malls at Rommel’s Billiards.

Ang batang Kapampangan na sumisibol na bagong talento ay magilas na lumaban upang manatiling buhay ang pag-asa sa ikaanim na rack, 2-4.

Ngunit wala itong nagawa nang linisin ni Gabica ang 7th frame at iselyo ang isa pang tagumpay sa event na binuo ni Tanduay Advertising Manager Larry Li na may suporta ng Tanduay Distillers Marketing Manager Andres Co.

Sa lahat ng interesado, maaring magtanong sa Corporate Billiards League secretariat sa 0918-9219934 o mag-log sa www.corporate billiardsleague@yahoo.com.

Show comments