Ang naturang Foundation ay kumalap ng kabuuang P22.4 million upang palakasin ang preparasyon ng mga Filipino athletes para sa nakaraang Southeast Asian Games sa Vietnam.
Ang Medalyang Ginto, May Laban Tayo ay nilikha ng foundation para tulungan ang mga Filipino athletes na nag-uwi ng 177 medals kabilang ang 48 golds sa biennial meet, kung saan ang Philippines ay nagtapos bilang fourth overall.
Ang iba pang organizations na bibigyan ng citation ay ang Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA), FedEx, Philippine Bowling Congress, the Far Eastern University Tamaraws, Philippine Racing Commission at Samsung.
Ang mga indibiduwal na may citation ay sina Steve Hontiveros, ang first Filipino na nahalal bilang president ng International Bowling Federation noong September, Josephine Cañare, isa sa top four sa womens division sa World Cup of Bowling sa Honduras at nakipagtambalan kay CJ Suarez, ang co-Athlete of the Year ni Manny Pacquiao, para sa Best Performance by a Country Award; Asian zonal champion at grandmaster-candidate Ronald Dableo; Glenn Aguilar, Asian supercross champion; at teen golfers Jayvee Agojo, Allenby Jiro Ramos, Dottie Ardina at Miguel Tabuena, na nanalo ng world junior titles.