Nasa maayos na kalagayan na ngayon si Codiñera matapos putulan ng 20 sentimetro ang right colon niya at nakakarekober na ito.
Nasa biyahe si Codiñera at ang asawa niyang si Jean nang biglang sumakit ang kanyang tiyan kayat agad itong isinugod sa pina-kamalapit na ospital.
Ayon sa kanyang amang si Boy Codiñera, kung hindi dahil sa malu-sog na pangangatawan ng kanyang anak ay hindi nito makakayanan ang operasyon.
"Jerry had a congenital defect in blood vessels in right colon that developed ulcers. That caused the mega bleeding," ani Jean.
Si Jerry ay inoperahan ng limang doktor sa Azienda Policlinico Umberto Primo sa Rome.
"It was a public teaching hospital with a very efficient and very expert medical team led by Dr. Modini. Also with the team were Drs. Petroni, Brachini, Benvenuto and Antoniozzi." ani pa ng asawa ni Jerry. (Ulat ni DMVillena)