Si Moran ay siya na ngayong tumatayong trainer ng Turbo Chargers mula nang magresign ang head coach na si Perry Ronquillo noong Nobyembre.
Sinabi ni BCAP president Chito Narvasa na naging coach din ng Shell, na may posibilidad na may nilabag na labor law si Moran bilang trainer ng Shell.
"There are indications that he doesnt have a permit and we are looking into that. We also sent word to the immigration to find out if he is even staying here legally since he has been in the country for a year now," sabi ni Narvasa.
Gayunpaman, sinabi ni Narvasa na ayaw nitong ilagay sa alanganing sitwasyon ang Shell dahil minsan din niya itong naging pamilya.
Si Moran ay mag-iisang taon nang nandito sa bansa dahil siya ang nangasiwa ng rookie camp sa drafting ng PBA noong Enero.
Posible ring siya ang piliing pamalit kay Ronquillo para magmando ng Turbo Chargers sa susunod na season.
"We still have to see if he will be the coach. But if the reports coming to us are true and that he will handle Shell as head coach, we definitely will do what we have to do. I wont compromise one bit just because its Shell were talking about. In fact, Ill even be more con-cerned about it because I dont want Shell to put itself in an unfavorable situation," ani Narvasa.
Samantala, inihayag ng kasalukuyang PBA chairman na si Jun Cabalan na naghahanap na sila ng bagong television broadcasting partner.
Gayunpaman, ipinagdiinan din ni Cabalan na hahabulin pa rin nila ang dating ka-partner sa mga obligasyong pinansiyal na hindi nababayaran sa kanila.
At alam na rin ni Cabalan kung papaano nila gagawin ito.
Nais ni Cabalan na magbuo ng isang grupo na ang tanging misyon ay maningil sa P250 million na pagkakautang. Ito ay kung papayag ang Boards sa kanyang ideya. (Ulat ni Carmela Ochoa)