"Were happy that despite a shaky start, the team still managed to merge third best in the league (behind champion Compak Shineway-Ozamiz at M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu). But we look forward to a better stint in the future," ani San Pablo City Mayor Aquino.
"Our next goal is to win the title," dagdag naman ng shooting champion na si Padilla.
Ginapi ng 7 Lakers ang Ilocos Sur Snipers, 94-86 sa kanilang sudden-death match, habang tinalo naman ng Ozamiz cagers ang Cebuanos, 76-75 upang mapanatili ang korona.
"Were elated," ani pa ni Padilla. "Its a big honor to emerge as the top team from Luzon. Its worth the support weve given."
Dumanas ng problema ang 7 Lakers sa panimula ng laro makaraang ang bagong head coach na si Ted Magno ay pumili ng kanyang mga manlalaro dalawang linggo bago magsimula ang laro. Matapos na lumasap ng dalawang sunod na pagkabigo, sinimulan ni Magno na humugot ng mga beteranong players gaya ng slotman na si Mel Crisostomo.
Matapos na igupo ang Grachiya-Adamson, 73-60, nagsimulang umahon ang 7 Lakers hanggang sa makarating sila sa semis bago sinilat ang Snipers upang makopo ang konsolasyong ikatlong puwesto.
"No doubt, Ozamiz and Cebu have stronger, intact lineups. But watch us the next time around," pagbabanta nina Aquino at Padilla.
Samantala, ipalalabas ang semifinal at final matches sa IBC 13 ngayon at bukas, ayon sa pagkakasunod simula sa alas-5 ng hapon.