Ang 23-anyos na si Ocampo, tubong Pampanga ay tinanghal na kampeon sa 2002 Efren Bata Reyes Cup kung saan kilalang veteran international champion na nag-organisa ng palaro sa kanyang bayan.
At gaya ni Reyes, pangarap rin ni Ocampo na makagawa ng malaking pangalan sa international scene.
Pipilitin niyang mapigil si Gabica upang mapalawig ang kanyang kampanya bilang featured cue artists sa ikalimang sunod na linggo sa event na ito.
Ang nasabing laban na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinsons Malls at Rommels billiard ang official table ay ipalalabas ng National Broadcasting Network ngayong gabi sa primetime, 8-9pm.
Kailangan ni Ocampo na manalo ng dalawang ulit upang tanghaling kampeon at supilin si Gabica at siya naman ang magiging bagong hahamunin sa susunod na linggo.
Ang tatanghaling overall champion ngayong taon ay makakakuha ng sponsored mula sa Tanduay kung saan ang homegrown star ang siyang magdadala ng kulay ng Tanduay at ng bandila ng bansa sa prestihiyosong international competitions.