Si Peek, kilala sa kan-yang mahusay na depensa ngunit ngayon ay pumuputok na sa opensa, ay pumirma ng panibagong tatlong taong kontrata sa Aces na umabot sa P12 milyon.
Si Miller, ang 2002 Most Valuable Player at ang tinanghal na King of the Court ng one-on-one competition, ay binigyan din ng paniba-gong tatlong taong kontrata ng Red Bull.
Gayunpaman, hindi sina-bi kung magkano ang halaga ng bagong kontrata ni Miller.
Anumang araw sa susu-nod na linggo ay ihahayag na ng Shell kung sino sa dalawang ito ang papalit kay Perry Ronquillo na nag-resign sa Turbo Chargers kamakailan lamang.
Si Black ay huling nag-coach sa Sta. Lucia Realty mula sa kanyang matagal na pamamalagi sa San Miguel. Isang taon din itong nag-anchor para sa NBN-IBC tv coverage ngunit possible na itong magbalik sa sidelines.
Malakas ding contender si Austria para pumalit kay Ronquillo dahil sa kanyang makulay na credential mula sa Philippine Basketball League. Ang huli nitong tagumpay ay nang kanyang mapagkampeon ang Wel-coat Paints.
Sa katunayan, tanging si Rey Evangelista pa lamang ang nakapirma ng kontrata at nakabinbin pa ang tran-saksiyon para sa iba pang expiries dahil naghihintay pa ang Purefoods ng mang-yayari sa draft kung saan nakasalalay ang kanilang plano.
Si Evangelista pa lamang ang nakakuha ng bagong kontrata sa Purefoods na nagkakahalaga ng di bababa sa P10 milyon na tatagal ng tatlong taon.
Ayon pa sa isang source, hinahanapan na ng trade ang iba pang mga players kahit na walang kapalit ngunit wala pang teams na kuma-kagat dahil naghihintay din ang mga ito sa drafting.
Kung makakabalik na si Seigle sa susunod na taon, sinabi ni Uichico na muling magbabalik ang kanilang dating lakas.
Kabilang sa mga expiries ng Beermen ay sina 2000-2001 MVP na si Danny Ilde-fonso, Dorian Peña at Boy-bits Victoria na inaasahang bibigyan na ng offer sa lalong madaling panahon.
Hindi nakalaro si Seigle ng buong 2003 season dahil di nakarekober sa kanyang Achilles tendon operation na napunit noong 2002 bago tumulak ang national team sa Korea.(Ulat ni CVOchoa)