Ozamiz at Cebu magsho-showdown

CEBU City -- Napipinto ang isa na namang showdown ang magkaribal na defending champion Shineway-Compak-Ozamis at M Lhuillier Kwarta-Padala Cebu matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo sa Panasonic, National Basketball League (NBL) Regional Cup sa New Cebu Coliseum kahapon.

Naging matatag sa huling bahagi ng labanan ang Ozamis upang igupo ang Ilocos Snipers, 94-87 ha-bang pinigilan naman ng Cebu ang pagbangon ng Spring Cooking Oil-San Pablo tungo sa 72-68 panalo.

Magsasagupa ang Shineway-Compak at M. Lhuillier-Kwarta Padala sa alas-4:00 ng hapong laban pagkatapos ng laban ng Ilocos Sur at San Pablo para sa konsolasyong third place sa alas-2:00 ng hapon.

Show comments