Pagod at pagkadismaya ang mga dahilan kung bakit nagbitiw si Perry Ronquillo bilang head coach. Pagod, dahil mula 1991 pa siyang na-kasubsob sa coaching. Pagkadismaya dahil kulang sa materyales ang koponan. Wala pa ring lehitimong sentro. Madalas nga siyang magbiro sa inyong lingkod na siya pa rin ang pinakamalaking mi-yembro ng team.
Sino ba ang nababagay na humawak sa Shell? Naririyan si Norman Black, na naghatid sa Sta. Lucia sa kauna-unahan nitong kampeonato. Pwede rin si Derick Pumaren, na nagbi-gay ng bagong buhay sa FedEx. Maaari namang si Franz Pumaren, na naghahanap ng bagong hamon.
Sa kabilang dako, bakit di kumuha ng bata? Maganda ring bigyan ng pagkakataon si Nash Racela, may tangan sa San Beda Red Lions. Aral siya kay Chot Reyes, na aral naman sa Purefoods at Alaska bago hinawakan ang Pop, na ngayo'y Coca-Cola. Bakit hindi si Binky Favis ng Barangay Ginebra? Nakahawak na si Favis ng team sa MBA, at nakapagsanay sa ilalim ni Ron Jacobs. Parehong hinog na si Racela't Favis.
Pero kailangang ayusin muna ng Shell ang mga player. Sino ba ang dapat kunin? May balitang si Rich Alvarez ng Ateneo. Subalit papasok na rin sa draft si Ranidel de Ocampo, isang ganap na sen-tro. Hindi ba malaki ang kailangan ng Shell?
Tandaan din nating sangkatutak ang papasok sa draft, dahil halos walang nakalusot na Fil-Am, at sa Hulyo pa ng 2005 ang susunod na draft.
Masasabi nating nasa Shell na ang lahat ng baraha. Dapat nilang pag-ingatan ang pagkakataong ito, dahil mahirap maulit sa nalalapit na kinabukasan.