Vietnam durog sa RP-5

HO CHI MINH--Tinuran ng Pinoy cagers ang Vietnamese kung papaano maglaro ng basketball nang paglaruan nila ito 117-53 para sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa basketball event ng 22nd Southeast Asian Games dito.

Mula sa 12 puntos na kalamangan sa unang yugto ng laro, 34-12, nanalasa ang Nationals sa pagpasok ng ikalawang quarter, nang magbagsak agad ito ng 21-2 bomba paras sa 31 puntos na bentahe 55-14 sa harap ng nagbubunying mangilanngilang Pinoy.

Si Adducul, miyembro ng National team na nag-champion sa Kuala Lumpur SEA Games noong 2001 ay dumating dito upang bigyan ng moral support ang mga Pinoy, gayundin si Viillanueva na partikular sa kanyang mga kaeskuwela sa Ateneo.

"Depensa lang at full court press ang gamit namin," ani national head coach Aric del Rosario. "'Yun din ang gagamitin namin laban sa Singapore bukas (ngayon)," dagdag pa ni del rosario.

Show comments