Wala na siyang kalaban, e.
Sa pananaw ng karamihan, ang nakaraang best-of-five semifinals sa pagitan ng Coca-Cola at Talk N Text ang siyang nagdetermina kung sino ang magiging Best Import. Kasi nga, bukod kay McClary, dalawang ibang imports ang hindi napalitan buhat nang mag-umpisa ang torneo at itoy sina Damien Cantrell ng Talk N Text at Terrence Shannon ng FedEx.
Hindi naman nakausad sa semis ang FedEx so out na si Shannon. At dahil hindi nakarating sa Finals ang Talk N Text, out na rin si Cantrell.
Kung mayroon sanang kalaban para sa Best Import award si McClary, itoy si Kwan Johnson ng San Miguel. Biruin mong masagwa ang naging umpisa ng Beermen na natalo sa unang limang laro nila sa torneo subalit nakahabol silat nakaabot pa sa Finals sa tulong ni Johnson.
Pero mukhang itinadhana na si McClary ang maging Best Import!
Kasi ay nagtamo ng groin injury sa third quarter ng Game-One si Johnson at hindi na nakapaglaro pa buhat doon. Nagawa pa rin ng Beermen na mamayani sa series opener, 84-81 dahil malaki naman ang kanilang naiposteng kalamangan sa umpisa ng laro.
Subalit sa Game-Two ay tinambakan ng Tigers ang Beermen, 103-79 dahil hindi nakapaglaro si Johnson bagamat naka-uniporme ito. Mukhang matatagalan bago guma-ing ang kanyang injury.
Kaya naman nagdesisyon ang coaching staff at management ng San Miguel na palitan si Johnson at kunin ang NBA veteran na si Cedric Ceballos. So, hindi na matatapos ni Johnson ang torneo. Logical na hindi na siya mapabilang sa mga contenders para sa Best Import award at kahit na nakakuha na siya ng boto buhat sa kapwa players at media people na nagsimulang maghulog ng kanilang mga balota nong Linggo ay balewala na ang mga ito.
Deserving namang talaga si McClary. Sa umpisa pa lang ay swak na swak na siya sa Coca-Cola. Abay mahirap para sa isang mahusay na import na mag-standout sa isang koponang maraming stars. Bukod dito ay may championship poise ang Tigers dahil nga sa ikaapat na finals appearance na ang nangyaring ito sa kanila.
Kahit paanoy malaki ang pressure sa balikat ni McClary kung hindi nakarating sa Finals ang Tigers. Biruin mong noong wala siya ay namamayagpag ang Tigers, ngayon pa ba namang nandiyan siya saka sila sasadsad?
Pero siyempre, kahit paanoy nabahiran ang kanyang record dahil sa insidenteng naganap sa Game-Two. Subalit iyon ay marahil bunga ng kanyang desire na talagang matulungan ang kanyang team.