Pinangunahan ni ex-pro Jenkins Mesina ang Detergent Kings sa kanyang pagposte ng 14-puntos na sinegundahan naman ni Randy Lopez sa kanyang tinapos na 13-points at walong rebounds.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Blu Star, ikaapat matapos ang pitong pakikipaglaban na nagbigay sa kanila ng karapatang saluhan ang Fash Liquid sa ikatlong posisyon ng team standings.
"Its our defense that gave us this win. Were able to limit the production of their big men and at the same time na-break namin yung pressure defense ng La Salle. Yun talaga ang pinaghandaan namin coming into this game," anang winning coach na si Leo Isaac.
Umiskor din ang point guard na si Edrick Ferrer ng 13 puntos para sa Detergent Kings, na ngayoy may 2 larong pagkakahuli na lamang sa bumabanderang Welcoat Paints.
Tumapos naman sina Joseph Yeo at Manny Ramos ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang Archers ngunit nauwi sa wala dahil sa kanilang ikaapat na sunod na talo, ikaanim sa kabuuang 8-laro.
Dahil apat na teams lamang ang papasok sa semifinals, obligado na ang ICTSI na ipanalo ang kanilang mga natitirang laban para makahirit sa susunod na round.