Kinumpleto ng 38-anyos na si Chan ang kanyang dalawang araw na performance sa pagposte ng 318 at 348 sa 50 at 30-meter distansiya upang itabla ang SEAG Mark na itinala may dalawang taon na ang nakakaraan sa Malaysia at pumosisyon sa likod nina Rina Dewi Puspita Sari (1332) ng Indonesia at Mon Redee A/P Sut Txi ng Malaysia (1328).
Ang performance na ito ni Chan ay mas maganda sa kanyang personal best na 1302 nang makasungkit siya ng bye sa 1/16th ng knockout Olympic Round na magsisimula ngayong alas-9:00 ng umaga.
Tatlong iba pang Lady archers sina -- Jasmin Figueroa, Joann Tabanag at Rachell Anne Cabral -- ang nakasama din sa Olympic Round.
Makakasagupa ni Tabanag si Singapores Sug Beow Leng, haharapin ni Figueroa ang Vietnams na si Nguyen Thi Chinh at sasabak naman si Cabral kontra sa isa pang Vietna-mese na si Nguyen Thung Hung sa first OR stage.