Ito ay makapag-uwi ng gintong medalya at makapagbigay ng karangalan sa ating bansa.
Sa katunayan, bagamat ang opening ceremonies ay nakatakdang maganap sa Disyembre 5, kahapon pa lamang ay nagsimula na ang aksiyon.
Ang Philippine archery team natin ay sumalang na sa eliminations, gayundin ang water polo players.
Bukas magsisimula na ang boxing event kung saan target ng 9-kataong boxing team na muling maangkin ang dominasyon sa boxing event na inagaw ng Thailand.
Bagamat may kahirapan, mas malamang na mas maganda ang magiging performance ng Pinoy boxers ngayon kumpara sa naging kapalaran nila noong huling SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Siguro, batay sa kanilang mga international exposures, masasabing matindi ngayon ang ating Pinoy boxers.
Oo ngat kasabayan din nila ang mga boksingero mula sa Thailand sa mga international exposures na ito, masasabing karamihan sa mga ito ay wagi sila.
Siguro naman ngayon, wala nang masusulat na nadaya ng reperi kaya natalo.
Mas maganda siguro kung aaminin na lang na talagang talo kaysa sa isinisisi pa ito sa mga reperi.
Sawa na ang mga kababayan natin sa ganitong alibi.
Saganang akin, malakas ang pakiramdam ko na tatlo hanggang apat ang kayang suntukin ngayon ng Pinoy boxers.
Lalo siguro kung totoong sasama si Manny Pacquiao para mag-cheer sa kanila.
Isang malaking inspirasyon ito para sa ating boksingero.
Anong sey nyo?