Ang panalong ito ang nagtakda ng pakikipaglaban ng FEU sa Final Four kontra sa top favorite na St. Francis of Assisi na magsisilbing rematch ng kanilang Big Eight match noong nakaraang taon kung saan ginulantang ng Tamaraws ang Doves.
Sa sobrang dehado ng Letran, tanging nagawa ng Knights ay maka-lapit ng hanggang sa 14-22 lamang sa pagtatapos ng unang canto.
"I think we caught them in an off day," pahayag ng winning coach na si Koy Banal.
Umiskor ang Tamaraws ng walong sunod na puntos sa simula ng laban bago kunin ang 15-2 pangunguna sa three pointer ni Arwind Santos. Itinala ni Santos ang kanyang ikalawang sunod na double-double sa pagkamada ng 13-puntos at paghatak ng 14-rebounds kahit na di na ito lumaro sa final quarter.
Sa pagtatapos pa lamang ng first half, si Santos ay naka-double-double na sa kanyang 13-puntos at 10 rebounds.
Bagamat di na ito umiskor sa ikatlong canto, ang kanyang mga kasa-mahan naman ang nag-trabaho tungo sa kanilang tagumpay.
Pinangunahan ni Mark Isip ang Tamaraws sa kanyang 17-puntos sa ika-apat na quarter habang ang bihirang gamitin na si Jefrei Chan ay nag-ambag ng 10-puntos na kanyang isinelyo sa pamamagitan ng tres na nagbigay sa Tamaraws ng biggest lead na 68-40.