Ngunit ang kanyang mukha ay mapaglinlang.
Base sa kanyang track record, ang soft spoken, 56 lightweight boxers ang may pinakamaningning na tsansa sa gold medal sa pagsabak nila sa aksiyon sa Miyerkules.
Ang 25 anyos na ipinagmamalaki ng Zamboanga City ay nagwagi ng back-to-back gold medals sa Goa Cup at Afro-Asian Championships na ginanap sa Goa at Hyderabad, India ayon sa pagkakasunod at silver naman sa Greenleaf Festival sa Karachi, Pakistan, sa pagitan ng dalawang buwan.
At bukod pa dito, si Tanamor na isang Army Private first class, ay naka-bronze sa naka-raang World Championships sa Bangkok, Thai-land. Dinaig nito ang highly-rated Thai na si Suvan Phanom--ang bok-ingero na malamang na kanyang muling makakaharap at dadaigin kapag ito ay umusad sa gold medal bout.
Samantala, may dalawang adhikain ang Fil-Am boxer na si Christopher Camat sa kanyang paglahok sa 22nd Southeast Asian Games.
Una, nais ng 24 anyos na middleweight boxer, at mainstay ng National team sapul pa noong 2001 na wakasan ang nga-sangang kamalasan sa international competitions at maabot ang minimithing gintong medalya.
Ikalawa at pinaka-importante sa lahat, nais niyang bigyan ng tribute ang yumaong boxing association secretary-general Renato Fortaleza kapag nagbunga ang kanyang debut sa biennial sportsfest na ito.
"Ever since I tried out for the Philippine Team in 2000, (he (Fortaleza) was always the one who believed in me, saying I was a cinch to win the gold in SEA Games. But now that Im here, hes no longer around," ani Camat.