Si Primero ang tinanghal na kampeon matapos ang dalawang araw na karera matapos magtala ng pitong oras, tatlong minuto at 28.22 segundo, limang segundo ang agwat sa pumangalawang si Luzon.
Kabilang sina Primero at Luzon sa ikatlong grupong tumawid sa finish line sa likod ng lap winner na si Benito Lopez matapos ang 120-kilometer circuit kahapon na nagsi-mula at nagtapos sa Mendoza Park dito.
Si Primero ang magsusubi ng P40,000 premyo para sa first place habang si Luzon ay nagkasya lamang sa P30,000 second prize bilang runner-up.
Ayon kina Primero at Luzon, gagamitin nila ang kanilang premyong napanalunan sa special race na ito na proyekto ni Bert Lina, chairman ng Air21 at president ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling katulong sina Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn sa paghahanda para sa Tour Pilipinas.
Tumapos naman bilang third place sa karerang ito na sinuportahan ng FedEx at Mail & More si Nilo Estayo na may premyo namang P25,000 sa kanyang oras na 7:08.49.79.