Poch Juinio, PBA Player of the Week

Dahil sa mahusay at impresibong larong ipinakita ni Poch Juinio para sa Coca-Cola Tigers, napili itong Player of the Week ng PBA para sa November 17-23.

Hindi matatawaran ang enerhiyang ipinakita ni Juinio sa kanilang laban na nagpatalsik sa Ginebra, at makuha ang isang puwesto sa semis.

Ito ay sinundan pa uli ng isa pang impresibong laro sa Game-One ng kanilang best-of-five semifinal series kontra naman sa Talk N Text.

"Honestly speaking, in the Ginebra series, I almost wanted it to end already. We’ve had a long year. We haven’t had rest since last year and we are really tired. I can already see and feel it in my players," ani Reyes.

Show comments