Ang 17 bagong siklista ay kabilang sa 48 na nanguna sa nakaraang linggong dalawang araw na qualifying races sa Batangas na suportado ng Air21 katulong ang FedEx Mail & More, BPI-MS, Lipovitan at Caltex.
Pinangunahan ni dating Tour champion Victor Espiritu ang qualifyings na nilahukan ng 228 partisipante mula sa ibat ibang lugar ng ating bansa. Ang 48 riders ay sasamahan ang top 36 ng 2003 Tour Pilipinas. Ang 36 ay seeded para sa 2004 race na kapapa-looban ng 17 yugto na ikinalat sa 21 araw mula sa Marso 15 hanggang Abril 4, 2004.
Ang riders ay pipiliin ng 12 koponan sa Tour Pilipinas na itinakda sa Disyembre 17. Ang mga teams ay ang Tanduay, PagcorsSports, PLDT-NDD, Intel, Samsung, Gilbeys Island Punch, Bowling Gold, DILG Patrol 117, DILG Drug Busters, DENR Ecosavers, BIR VAT Riders, at DOTC Postmen.
Ang 48 qualifiers ay sinaVictor Espiritu, Baler Ravina, Michael Primero, Oscar Rindole, John Ricafort, Ruel Casaljay, Michael Reyes, Virgilio Muena, Julie Panong, Bernardo Llentada, Stalin Benito, Oscar Fronda, Alvin Benosa, Desi Hardin, Benito Lopez, Ryan Mendoza, Ronnel Hualda, Villamor Baluyot, Saul Servino, Orly Villanueva, Johnny Dasala, August Benedicto, Jayson Garillo, Jay Tolentino, Joel Guillen, Jun Villanueva, Joeffrey Talaver, Marcial Robosa, Emil Pablo, Virgilio Quintia Jr., Robert Villaver, Noel Rito, Rayzon Galdonez, Elmer Atilano, Darwin Marana, Tomas Martinez Jr., Roberto Pagala, Jesus Garcia, Gerard Asiado, Dionisio Mendoza, Gary Apolinar, Leonardo Lingas Jr., Dante Valdez, Virgilio Espiritu, Art dela Cruz, Dionisio Posilero Jr., Bergonio Gregorio Jr. at Domi-nador Tacutaco.
Samantala, idaraos naman sa Nobyembre 29 at 30 ang Tour of Puerto Princesa.
Ang karera na iho-host ni Mayor Edward Hagedorn ay kapapalooban ng 160 km massed start race at 120 km criterium.