Lina itinalagang delegation head ng BAP para sa SEAG

Itinalaga kamakailan ni Basketball Association of the Philippines (BAP) President Quintelliano Literal si Jose D. Lina Jr., secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang delegation head ng Philippine men’s and women’s basketball teams na magpapakita ng aksiyon sa Vietnam Southeast Asian Games mula Dec. 5-13 sa Ho Chi Minh City.

Si Lina na kilala bilang suporter ng amateur basketball, ay inaasahan na magtsi-cheer para sa RP-Cebuana Lhuillier men’s team kung saan idedepensa nito ang kanilang hawak na korona sa biennial event.

Determinado rin ang women’s team na gigiyahan ng beteranong mentor na si Arturo ‘Bai’ Cristobal na mapaganda ang kanilang bronze-medal finish sa nakaraang 2001 Kuala Lumpur SEA Games.

Ang RP-Cebuana Lhuillier national players para sa men’s team ay binubuo nina Richard Melencio, Celino Cruz, Gary David, Ranidel de Ocampo, Ervin Sotto, Chris Dennis Madrid, Paul Anthony Artadi, William Joel Wilson, James Carlos Yap, Joseph Allan Salangsang, Recaredo Calimag, Jean Marc Pingris at Richard Alvarez, Si Aric del Rosario ang siyang head coach, habang assistant coach naman sina David Zamar at Eduard Vergeire.

Show comments