MayniLA umarangkada, Ilocos Sur Snipers lider uli

SAN FERNANDO, Pampanga -- Nagpakatatag sa homestretch ang Restolax/Mail & More-MayniLA tungo sa 80-76 panalo laban sa Sulpicio Lines-Pampanga sa paglunsad nila ng kanilang kampanya sa 2003 Panasonic-National Basketball League Regional Cup tournament noong Sabado sa Bren Z. Guiao Convention Center dito.

Nagpakawala ng 27 puntos mula sa kabuuang 31 puntos si Ernani Epondulan sa second half na naging susi ng impresibong debut ng MayniLA.

Sa naunang laro, binaril ng Ilocos Sur Snipers ang defending champion Compak Shineway-Ozamiz, 85-74 para sa kanilang ikatlong sunod na tagumpay at maagaw muli ang liderato sa torneong itinataguyod ng Panasonic, BJ Star Logistics, Sulpicio Lines, Molten at Nature’s Spring.

Show comments