Lunas itataya ang korona sa 'Bakbakan sa Bataan'

Lumalaban siya para kumita. Pero gusto rin niyang lumaban para sa isang magandang edukasyon.

At ngayon, lalaban si Pan Asia Boxing Association flyweight cham-pion Rolly Lunas ng may dahilan.

Itataya ni Lunas ang kanyang titulo para sa kanyang kampanya sa pagpapatayo ng public library kontra kay flyweight champion Phises Vor Surapol ng Thailand sa Disyembre 19 sa salpukang tinaguriang "Bakbakan sa Bataan 3" sa People’s gym sa Bataan.

Ito ang ikalawang pagdepensa ni Lunas, ngayon ay No. 15 flyweight sa WBA, sapul nang makuha niya ito kay Thai Khunsuk Lukprabat noong Mayo 29 sa Thailand.

Tampok din sa "Bakbakan sa Bataan" ang laban ni RP lightweight champion Fernando Montinilla at Larry Pelonia sa 12 round affair.

Show comments