Nasungkit ni Gabi ang WBC International title noong nakaraang Linggo sa pamamagitan ng technical decision win laban kay Randy Mangubat sa kanilang 12-round duel sa "Engkwentro" card na ginanap sa North Cotabato Provincial Gymnasium.
"Yes, thats our plan. We will definitely bring him to the US where he will get the best training methods available," ani Socrates Piñol.
"Negotiations between our camp and Emmanuel Steward are under way," pagsang-ayon naman ni North Cotabato governor Manny Piñol na nasa ringside nang maagaw ni Gabi ang titulo kay Mangubat.
Samantala, inihayag din ni Games and Amusement Board boxing division chief Emmanuel Flores na nakikipag-ugnayan na siya kay WBC president Mauro Betti para mabigyan ng slot si Gabi sa top 15 rankings ng WBC. Si Flores ay miyembro ng elite 15-man WBC Board of Governors.